EDITORYAL - Ano ang ginagawa ng DENR sa problemang air pollution?
(Pang-masa) - February 18, 2018 - 12:00am

MATAGAL nang problema ang air pollution sa Metro Manila pero walang makitang sigasig sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) kung paano ito malulutas. Hihintayin pa ba ng DENR na may mamatay dahil sa pagkalason sa hangin? Kikilos lang ba kung kailan mayroon nang hindi na makahinga at sisinghap-singhap? Maraming sakit ang nakukuha sa air pollution: pulmonya, bronchitis, asthma, stroke at heart attack.

Dahil sa kalubhaan ng air pollution sa Metro Manila, nagkaroon ng pag-aaral ang mga eksperto sa UP-Diliman na darating daw ang panahon na hindi na maaaring tirahan ang Metro Manila dahil sa sobrang polluted ang hangin. Sabi ng isang isang doctor, kailangan nang mag-face masks ang mga taga-Metro Manila para makaligtas sa hangin na may lason.

Maraming malalaking kalsada sa Metro ang tinukoy na grabe na ang air pollution. Nangunguna rito ang EDSA na libong sasakyan ang dumadaan araw-araw. Nagko-contribute sa pollution dito ang mga lumang bus na nagbubuga nang maitim na usok. Grabe rin ang pollution sa Taft Avenue, at Quezon Avenue at pawang mga bulok na jeepney naman ang itinuturong pollutants dito.

Noong nakaraang taon, nagkaroon ng ranking sa 230 siyudad sa buong mundo na gustong puntahan ng mga turista. Nasa ika-136 na puwesto ang Metro Manila. Isa sa mga dahilan kung bakit malayo ang puwesto ng Metro Manila ay dahil sa air pollution. Mas gusto ng mga turista na puntahan ang mga lugar na malinis ang hangin. Kabilang sa mga bansa na malinis ang hangin ay ang Vienna, Austria at Singapore.

Nararapat kumilos ang DENR sa problemang air pollution. Hindi dapat maging ningas-kugon sa pagsasagawa ng anti-smoke belching campaign. Suportahan nila ang pag-phase out sa mga lumang sasakyan sapagkat ang mga ito ang nagbubuga ng 80 porsiyento ng nakalalasong usok. Ipatupad ang nakasaad sa Clean Air Act of 1999.

Magpakita naman sana ng sigasig si DENR Sec. Roy Cimatu sa pangangalaga sa kapaligiran at lutasin ang problema sa water at air pollution.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with