^

Punto Mo

Mga bulok na sasakyan balik-lansangan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ramdam na naman sa maraming lansangan sa Metro Manila ang matinding trapik nitong mga nakalipas na araw.

Aba eh , may ilang linggo ring bahagyang lumuwag ang trapik pero ngayon bumabalik ang matinding kalbaryo.

Ito yung panahon na puspusan ang ginagawang operasyon ng Inter-Agency Council on Traffic o I-ACT na may kinalaman sa ‘Tanggal bulok, tanggal usok’ sa mga pampasaherong jeep at PUVs sa ilalim na isinusulong na modernization  program sa mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Kapansin-pansin kasi na  sa tuwing may operasyon lumuluwag  ang trapik at ito ay dahil sa hindi pumapasada ang maraming mga pampublikong sasakyan partikular ang mga jeepney dahil nga sa takot na mahuli.

Kung maayos naman at walang sablay ang pinapasada nilang sasakyan eh bakit sila matatakot, ibig sabihin lang nito , baka maraming makikitang mga paglabag sa kanilang mga sasakyan kaya nila itinatago.

Pero mukhang nananahimik ngayon ang I-ACT sa operasyon kaya balik-kalsada ang mga bulok at mausok.

May ilan na talaga namang nagsikap na maipaayos ang kanilang sasakyan, may ilan pa nga na bagong pinta pa, yun nga lang bago ang panlabas pero maitim pa rin ang binubugang usok at kakarag-karag.

Sana nga lang ay hindi ningas -kugon lang ang mga kinauukulan sa kanilang kampanyang maiaayos ang mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Pwede na nila itong unti-untiin tutal din lang ay unti-unti na ring nasasanay  ang riding public  na subukan ang ibang alternatibong transportasyon.

Pero ang kanilang hinihintay,  eh sana nga raw ay unti-untoi na ring ma-introduce sa publiko  ang sinasabing modernong sasakyan na ipapalit sa mga bulok na PUVs para na rin makita at masubukan na ito.

Sa ganitong paraan, maikukumpara ng riding public ang kaginahawaan ng mga bago sa luma.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with