2,228 na snowman, sabay-sabay na binuo sa Michigan sa loob lamang ng 1 oras
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - February 14, 2018 - 12:00am

NAKAPAGTALA ng bagong world record ang Michigan Technological University matapos magtulung-tulong ang mag-aaral doon na makabuo ng 2,228 na snowman sa loob lamang ng isang oras.

Nahigitan nito ang 2,036 world record na naitala sa Aka­bira, Japan.

Kung hindi lang daw sobrang lamig ng panahon ay baka mas marami pa silang nagawang mga snowman, ayon sa isa sa mga lumahok.

Nagiging parang pulbos kasi ang niyebe kapag sobrang lamig kaya masyado itong buhaghag at hindi angkop para sa pagbuo ng snowman.

Nakadiskubre naman ng solusyon sa problemang ito ang third year chemical engineering student na si Seth Kriz.

Natuklasan kasi niyang mas siksik ang niyebe kung kukuhanin ito mula sa pinakailalim. Sa pamamagitan ng technique na ito ay mabilis na nakabuo ng walong snowman si Kriz.

Higit 1,000 ang nagtulong-tulong sa paggawa ng mga snowman, na kailangang binubuo ng tatlong bahagi, hindi bababa sa tatlong talampakan ang taas, at may mga mata, braso, at ilong upang sila’y malabong sa opisyal na tala. Kailangan din na gawa lamang ito sa kamay dahil bawal gumamit ng kahit anong kagamitan.

Hindi pa opisyal na kinikilala ang record na naitala ng mga taga-Michigan Tech at inaasahang aabot pa ng 12 linggo bago makumpirma ng Guinness na may bago na ngang world record.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with