^

Punto Mo

Mahuling tulog, lagot!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nabulabog ang iba’t ibang istasyon ng pulisya sa isi nagawang surprise inspection ni NCRPO Director Oscar Albayalde.

Sa isang gabi lang, ayun nasa 18 pulis kabilang ang 3 opis­yal ang agad na nasampolan matapos maaktuhang natutulog at ang ilan naman ay nag-iinuman sa loob ng kanilang himpilang binabantayan habang mga naka-duty.

Pinasibak agad-agad ni Albayalde sa pwesto ang mga pulis   na nabulaga sa  inspeksyon sa Muntinlupa at Pasay.

Dahil nga sa pangyayari na marami pa rin umano ang nasusumpungang nagtatamad-tamad sa kanilang pagseserbisyo kaya nagbabala na kahapon ang PNP na hindi sasantuhin ang maaaktuhang nagtutulog o umiinom habang naka-duty.

May red team na rin daw na idini-dispatch sa mga himpilan ng pulisya para tiyakin na nagsisipagtrabaho at walang ginagawang kalokohan ang mga ito habang naka-duty.

Aba’y talagang galit si Gen.  Albayalde,  biruin mo nga naman na dati ang mababang sahod ang idinadaing ng mga ito, ngayong itinaas na ang kanilang sweldo, eh hindi pa pagbutihin ang trabaho.

Dapat sana’y na rin sila sa mga biglaang inspeksyon ng NCRPO chief, kaya dapat kung duty nila uminom muna ng maraming kape para hindi antukin.

Paliwanag pa nga ng PNP, may shifting naman ang mga pagdu-duty ng tig-walong oras kaya walang dahilan para sabihing puyat sila at  sa oras na duty nila sila nagtutulog.

Ang aksyon agarang pagsibak sa pwesto ay bahagi pa rin ng internal cleansing na isinasagawa sa hanay ng PNP.

Mukhang nagiging relax na naman ang marami kaya nga tama ang ginagawang biglaang inspeksyon kasi ang mahuling tulog, lagot!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with