^

Punto Mo

Positibo sa pagbabalik ‘tokhang’

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sana nga ay magtuloy-tuloy, dahil mukhang positibo ang tanggap ng publiko sa muling sinimulan na ‘Oplan Tokhang’ ng PNP.

Enero 29 nang muling ibalik ng PNP ang ‘Tokhang’ at simula nga dito hanggang Pebrero nitong unang linggo ng Pebrero, libu-libong drug suspects na ang nagsisuko. Walang naitalang nasawi sa mga isinagawang operasyon, nakumbinse pa ang mara­ming drug personalities na iwanan na ang naturang ilegal na gawain at bigyang pagkakataon ang sarili sa rehabilitasyon.

Maging ang mga local officials hanggang sa lebel ng barangay ay talagang sumasama sa pagto-tokhang ng kanilang mga kapulisan.

Yung iba ngang drug personalities, hindi na kailangang katukin o i-tokhang dahil sila na mismo ang naglulutang sa kanilang mga sarili sa himpilan ng pulisya o sa barangay.

Una nang sinabi ng pamunuan ng PNP na magiging kakaiba ang muling paglulunsad nila ng ‘Tokhang’ at siniguro na masusunod ng kanilang mga tauhan ang ipinatutupad na supplemental guidelines at irerespeto ang karapatang pantao.

Gaya ng nasa panuntunan sa araw lamang isinasagawa ang ‘Tokhang’, bawal din ito tuwing weekends.

At least ngayon, unti-unti nang napapawi sa isipan ng marami ang matinding takot sa ‘Tokhang’ .

Hindi tulad ng dati na salitang ‘Tokhang’ pa lamang ay labis nang kinatakutan dahil inakala na ito ay yaong basta na lamang itinutumba ang inooperate na personalidad.

Pero sana nga ay hindi lang sa simula at magtuluy-tuloy ang ganitong sistema ng ‘Tokhang’.

Wala sanang aabuso o magiging pasaway, para hindi na naman mabulilyaso ang drug operations ng hanay.

Masusing pagsubaybay at pagbabantay pa rin ang kinakailangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with