Galit si Ping sa suwapang, gets n’yo?
BAKAS! - Kokoy Alano (Pang-masa) - January 17, 2018 - 12:00am

HINDI man tinukoy ni Sen. Ping Lacson ang sinasabi niyang mga “suwapang” ay maliwanag na ang tinutukoy niya ay ang mga last termer na congressmen  na mabibigyan ng term extentions sa ginagawang hakbang ni House Speaker Bebot Alvarez upang madaliin ang proseso ng Federal Form of Government.

Nauna rito ang panukalang “Two houses into one voting” na dahil marami nga naman ang bilang ng mga kongresista na papabor sa federalisasyon, kaya matutunaw lamang ang bilang ng mga Senador kung pag-iisahin ang proseso ng pagboto, kaya napikon sina Sen.Ping Lacson at Grace Poe dahil pinagmimistula silang abaloryo o rekado lamang ng putaheng iniluluto, at dito na nila ipinagdiinan na ang magiging desisyon ng Senado ay labas sa gustong mangyari ng tropa ni Speaker Bebot Alvarez na may pagka-adelantado sa mata nina Lacson at Poe, kaya baka lalong gahulin ito sa panahon.

Umugong din ang balitang sa ipinopormang bagong gobyerno ay masisibak ang posisyon ng Vice President kahit hindi malinaw kung patatapusin ang termino ni VP Leni Robredo. Sa babaguhing Saligang Batas, magiging successor ang Senate President kasunod ang Speaker of the House kaya malinaw na hindi bubuwagin ang dalawang kapulungan. Wala naman talaga halos trabaho ang Vice President habang malakas at buhay ang Presidente kaya binibigyan ito ng ibang trabaho na kadalasan ay miyembro ng Gabinete.

Kung pagsasaayos at pagtitipid ang gustong mangyari ng administrasyon, hindi malayong bawasan na rin ang bilang ng mga opisinang nilikha para sa political accommodations o bayad utang nang mga nagdaang panahon at maging ang Multi Party System at Partylists Representatives ay dapat na ring burahin. Kaya ba nina Sen. Koko at Speaker Bebot gawin? Sige nga!

Naging kaugalian na ng mga politiko ang mamulitika kahit sa panahon na ng kanilang panunungkulan kaya naging palabigasan na tuloy sila ng mamamayan. Hindi naman nangyayari ito sa ibang bansa at tanging tayo lamang ang bansa na may ugaling “kalabit-penge” na ang tawag ay demokrasya!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with