Life Story ni Ed Sheeran
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - January 17, 2018 - 12:00am

Chapter 1 : Ang batang utal na may malaking eyeglasses

IPINANGANAK siya noong Pebrero 1991 sa Halifax England. May isa siyang nakakatandang kapatid na lalaki. Ang mga magulang niya ay may sariling business na may kinalaman sa art consultancy service. Bata pa ay member na siya ng church choir at tumutugtog na ng gitara. Sa edad na 11 ay lumilikha na siya ng mga kanta.

Ang kanyang pautal-utal na pagsasalita at suot na malaking eyeglasses ang umakit sa mga bullies para pag-initan araw-araw ang batang si Ed Sheeran. Ang kanyang pagiging utal at pagkakaroon ng diperensiya sa paningin ay bunga ng palpak na operasyon noong bata pa na naging dahilan para mabanlag ang kanyang mata at magkaroon  ng speech problem. Dumagdag pa dito ang pagkakaroon niya ng natural na pulang buhok, na sa tingin ng mga kapwa bata ay isang kapintasan.

Nahihiya siyang mag-participate sa class discussion dahil lalo siyang nauutal kapag under pressure. Kaya lang ang ipinagtataka niya ay tumutuwid ang kanyang dila kapag kuma­kanta kasabay ng kanyang pagtugtog ng gitara. Nawawala ang kanyang pagkautal! (Itutuloy)

“It was my love for the guitar that first got me into music and singing.” Ed Sheeran

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with