Martial law ni Tambongan sa MPD, epektib?
SUPALPAL! - Non Alquitran (Pang-masa) - January 4, 2018 - 12:00am

DEMORALISADO ang mga pulis sa Manila Police District dahil sa patuloy na “martial law’ na pinaiiral sa kanila ni Sr. Supt. Christopher Tambongan, deputy chief for administration ng MPD. Ayon sa kosa kong station commander, ayaw nang pumunta ng mga PNCO o enlisted personnel sa MPD headquarters sa UN Ave., sa pangambang tamaan sila ng ligaw na malas. Pati nga PCO o opisyal ng pulisya ay ayaw ding magpakita sa MPD dahil baka makita sila ni Tambongan na may konting diperensiya at t’yak makarguhan pa sila. Okay lang sa mga pulis na ma bawl out kapag may delinquency report subalit kung puro “tusok ulo” o pagulong-gulong sa semento na naka-uniporme pa ay baka CT scan ang aabutin nila. Get’s n’yo mga kosa? Kung squat lang sisiw sa mga pulis ‘yan subalit kung sobra naman ay ayaw nila dahil magmukha silang nasa-training pa. Hak hak hak! Di ba may human rights office rin ang PNP? Dapat utusan ni PNP chief Dir. Gen. Bato dela Rosa na silipin ng human rights nila ang mga hinanaing ng MPD cops para maibsan ang demoralisasyon sa kanilang hanay?

Sa totoo lang, samu’t-saring komento ang inani ng Supalpal noong iligwak ko na patuloy pa pala ang martial law sa MPD. Ayon kay kosang Felix Vargas, maganda at epektibo ang pamamaraan ni Tambongan dahil sa asal ng ilang pulis sa MPD na hindi na Manila’s Finest dahil sa matitigas ang ulo nila. “Yung style ni Tambongan ay antidote para tumino ang isip ng ungas, hangal at iresponsableng Foolish na pribilehiyo lang at hindi karapatan ang maging pulis nila. Mahina pa raw ang tusok ulo at pagulong-gulong sa kalye at kung sa panahon ng Phil. Constabulary, t’yak stockade ang aabutin at hindi uubra ang angas nila, ani Vargas. Ang nais ni Vargas ay ibalik ang PC at nang magkaalaman na kung sino ang duwag, manyakaw at criminal at sa isang banda ang tunay na pulis sa puso, diwa at gawa. May punto si Vargas dahil sa tagal niyang na-assign sa Camp Crame nagkaroon din siya ng pagkataon na pagsilbi sa MPD noong panahon ni Gen. EQ Fernandez. Hak hak hak! Di puwedeng bolahin si kosang Felix kung mga trabaho sa pulis ang pag-uusapan, di ba kosang Dave Veridiano?

Tama lang yan kosang Non Alquitran, ito naman ang komento ni Paul Gutierrez, ang presidente ng National Press Club (NPC). Alam natin pinakamarami ang pasaway na pulis sa Maynila. Siguro kung si DD Jigs Coronel, NCRPO OCa Albayalde o chief PNP Bato ang nagdisiplina ng ganyan walang papalag? Sa panahon nga ni Ping Lacson mas grabe pa ang mga parusa pero may umangal ba? As law enforcers, dapat talaga ehemplo ang mga pulis Maynila sa disiplina kasi nga the country’s “Finest” sila db? Eh ano ba imahe ng MPA hanggang ngayon? Ayaw nila napapahiya kapag dinidisiplina sa harapan ng mga kabaro at publiko pero kapag gagawa ng kawalanghiyaan katulad ng pagpatol sa mga iligalista o kaya magbangketa ng kaso, mag-OTH sa mga beerhouse o maglunsad ng mga palpak na anti drugs operation kung saan kalimitan patay ang mga suspek, nahihiya ba sila? Saan ba pinakamalalaking bookies at VK sa NCR, hindi ba sa maynila? Sino operator o protektor? Pulis Maynila. Sino “kakumpitensiya” ng MTPB sa hanay ng mga illegal vendors at illegal terminal? Kung hindi ang masa ng city hall, mga station commanders sa Maynila hindi ba? Kaya huwag na magreklamo mga pulis maynila sa simpleng disiplina ni Tambongan. Dapat talaga may bumabaston sa mga “yan. Suwerte sila mga pulis sila. Subukan.kaya nila lumipat sa militar. Tingnan natin kung uubra mga hirit nilang ganyan. Hak hak hak! Di pa galit si kosang Paul d’yan ha mga kosa? Subalit ang tanong ko naman, bakit di maparusahan ni Tambongan itong si SPO4 Gener “Paknoy” Presnedi, ang hari ng bookies ng karera sa Maynila? Sinusuwelduhan si Presnedi ng PNP subalit hindi public service ang isinusulong n’ya kundi bulsa service. Boom Panes!

Sinabi naman ni Col. Andy Suan, ang DRDO ng PRO8 na disciplinarian talaga itong si Tambongan. Kahit sa PNPA pa sila? Hak hak hak! Sino ba talaga si Tambongan? Abangan!

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with