^

Punto Mo

Sipon at sinusitis

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

ANG sinusitis  ay karaniwang nagsisimula sa pagkakaroon ng ordinaryong sipon o Upper Respiratory Tract Infection. Virus ang karaniwang sanhi ng sipon. At kahit napakaraming klase ng virus na puwedeng magdulot ng sipon, ang rhinovirus ang pinakamadalas na sanhi.

Kadalasan, natatapos ang atake ng sipon kahit walang gamutan. Sabi nga, self-limiting ang pagkakaroon ng sipon. Gamutin man o hindi, makalipas ang isang linggo, nawawala ang sipon. Pero may maliit na percentage ng mga taong sinisipon (mga 5 % siguro)  na puwedeng magkaroon ng sinusitis. Ito ‘yung mga taong makitid o barado ang tinatawag na sinus opening.

Sa panahon ng pagsisipon, ang drainage sa sinus ay apektado sapagkat namamaga ang tinatawag nating sinus cavity. Ngayon, kapag nataong makitid o barado ang sinus opening ng isang tao, puwedeng magsara ng todo ang lugar na ito at ma-trap ang sipon na nandoon. Kapag nakapasok ang mga mikrobyong baktirya sa sinus, magpaparami ito at mauuwi sa impeksyon ang dating sipon. Ito na nga ang sinus infection o sinusitis.

Kung ang ordinaryong sipon ay dala ng virus, ang sinusitis naman ay dala ng baktirya. Alinman sa tatlong baktirya na ito ay puwedeng pagsimulan ng sinusitis: Streptococcus pneumonia, Haemophilus influenza, o Moraxella catarrhalis. Sa panahong nandiyan na ang sinusitis, wala na ang virus na nauna nang nagdulot ng sipon. Baktirya na ang nandun. Mas matindi na ngayon sapagkat mas makulit ang impeksyong dala ng baktirya. Nagdudulot ng pamamaga sa sinus ang baktiryang ito kaya lalong hindi makakapag-drain ang sinus. Lalong dadami ang baktirya sa naturang sinus. At nagiging paulit-ulit lamang ang cycle na ito.

Makakaramdam ang pasyente ng pamimigat ng ulo, pressure sa mukha, pamamaga, o pagsisipon. Hindi talaga maayos ang pakiramdam habang may sinusitis. Makatutulong ang sumusunod kung nasa bahay lamang:

1. Uminom ng analgesic para sa pananakit ng ulo gaya ng paracetamol, ibuprofen, mefe­namic acid.

2. Mag-steam inhalation. Magandang mamasa-masa ang ating sinus para madaling mag-drain ang sipon. Maglagay ng konting asin sa isang palanggana ng kumulong tubig at langhapin ang usok na nanggagaling ditto upang lumuwag ang daluyan ng sinus. Ang usok mula sa isang mainit na mangkok ng sopas o isang tasa ng tsaa ay makatutulong din. Kung may heater sa bathroom, puwedeng maligo gamit ito.

3. Damihan ang pag-inom ng tubig upang lalong malusaw ang mucus na naipon sa loob ng sinus.

4. Gawin ang nasal irrigation para ma-drain ang infected mucus.

5. Gumamit ng yelo o ice compress sa apektadong sinus upang mabawasan ang kirot

6. Uminom ng antibiotics at decongestants para sa sinusitis. Hayaang ang inyong doktor ang magbigay ng tamang antibiotiko para dito.                             

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with