Sosyo panalo sa langis at petrolyo
BAKAS! - Kokoy Alano (Pang-masa) - July 27, 2017 - 4:00pm

SA pusod ng karagatan na sakop ng West Philippine Sea na kilala bilang South China Sea ay may mala-king deposito ng natural gas na humigit kumulang ay 55 trillion cubic meter at langis na tinatayang naglalaman ng 5.4 billion barrels na kayang magbigay ng enerhiya sa bansa sa loob ng 30 taon o higit pa.

Ang China ang pinakamalapit na kahangganan ng Pilipinas at mahigpit na co-claimant sa pinagtatalunang teritoryo at hindi pa rin naman tahasang natutukoy kung saan talaga ang pinakapusod ng likas na yaman na pinagmumulan nito, samantalang may mas kakayahan sila na arukin ito gamit ang kanilang teknolohiya at gastusan ito dahil mayaman silang bansa.

Tama si Pres. Rodrigo Duterte sa pagsasabing kung paiiralin natin ang ating pride at katapangan, at paninindigan natin ang pagpag-aari sa kabuuan ng  West Philippine Sea/South China Sea dahil sa pagkakaloob sa atin ng karapatan ng pagmamay-ari nito base sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) noong Hulyo 2016, malamang na humarap tayo sa isang malaking digmaan. Hindi naman natin isinusuko ang ating karapatan sa West Philippine Sea, kaya nga kasosyo lamang ang hinahanap natin. May gaga-wing unilateral development assessment ang Pilipinas at ang China para sa kapakinabangan ng bawat isa at ito ay tiyak na kinaiinggitan ng ibang bansa kaya magtimpi muna tayo at umasa sa mga positibong mangyayari.

Wala tayong kakayahan para makidigma at malamang na mapahamak lamang ng tuluyan ang bansa sa ganitong hakbangin, bukod pa dito, ay kakailanganin natin na humingi pa ng tulong sa mga makapangyarihang kaalyado nating bansa at sa bandang huli ay tatanawin pa nating isang malaking utang na loob.

Mas mabuti pa ang magtamasa na tayo ng biyaya mula sa langis at natural gas na makukuha sa ating karagatan katulong ang ating kapitbansa basta ayusin lamang ang kasunduan sa magiging hatian sa makukuhang produkto mula sa magkabilang hangganan ng karagatan ng Pilipinas at China.

Kung mangungutang tayo nang malaking halaga para gastusin sa explorations sa pagkuha ng mga produktong natural gas at langis sa malawak na karagatan natin, baka halos kalahati na rin nito ang magiging pambayad natin sa obligasyong interest at malamang na maharap pa tayo sa isang digmaan.

Tandaan natin na walang nananalo sa digmaan maliban sa mga nagbebenta ng armas at nagpapautang ng salapi para ibili nito. Gugustuhin pa ba natin ang giyera kung puwede namang makinabang na may kapayapaan?

Ang kasaysayan ang magpapatunay na hindi naman mahilig manakop ang China bagkus ay nakaranas din ng pagmamalupit ng World War 1 at 2 tulad ng Pilipinas, kaya bakit hindi na lang tayo makipagnegosasyon sa kanila bilang kapitbansa at iwasan ang madugong komprontasyon?

Bakas sa Radyo La Verdad 1350khz AM Band tuwing Sabado 5:00-7:00 p.m.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with