Mas mataas na gusali ligtas sa ‘Big One’?
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - April 16, 2017 - 12:00am

MAS ligtas kung nasa bago at mataas na gusali, ‘yan ang sinabi ni Philippine Institute of Volcanology and Seismo-logy (Phivolcs) director Renato Solidum sa isang panayam sa kanya sa telebisyon kamakailan. Tungkol ito sa sinasabing ‘Big One’ o lindol na may intensity 7 o 8 na  lakas na ibubunsod ng tinatawag na West Valley Fault na maaaring tumatama sa malawak na bahagi ng Metro Manila at karatig na mga lalawigan. Hindi matataya kung kailan ito magaganap pero pinag-iingat ang publiko.

Mas peligroso anya ang mabababang gusali o yaong tinatawag na low-rise at mid-rise building. Taliwas ito sa lumang mga paniniwala na mas mapanganib kapag nasa pinakamataas kang gusali habang lumilindol.

Sa paliwanag niya, mas maaapektuhan ng West Valley Fault ang mga low-rise at mid-rise building sa Metro Manila  dahil maliliit at magagaan ang mga istrukturang ito. Hindi tulad ng napakataas na mga gusali na lubhang mabibigat. Nakinabang din kasi anya sa makabagong construction technology ang kasalukuyang mga mas matataas na bahay at gusali bukod sa napakahigpit na ngayon ng batas ng Pilipinas hinggil sa mga high-rise building na dahilan para maging mas ligtas ito kung sumusunod sa National Building Code. Dapat anyang sumunod dito ang mga developer o inhinyero.

Gayunman, sa mga advisory hinggil sa lindol, sinasabing dapat pa ring maging maingat kapag nasa matataas na gusali. Lumayo sa mga aparador o filing cabinet at ibang matataas na kasangkapang maaaring tumumba at huwag gumamit ng elevator at huwag mag-panic. Kung walang masisilungang lamesa o ibang furniture, magkanlong sa isang interior wall at gamiting panakip sa ulo at leeg ang mga kamay. Iwasan ang mapanganib na mga lugar tulad ng bintana, nakabiting mga bagay, salamin.

Bukod dito, kung nasa loob ka ng gusali na mayroong mahigit 20 palapag at nasa ika-25 palapag ka, lubhang napakalayo para bumaba ka palabas ng kalsada. Mas magiging ligtas ka sa loob mula sa bumabagsak na mga debris at  sa stampede ng mga tao sa baba.

BIG ONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with