10 Simple Tips and Tricks
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - April 3, 2017 - 12:00am

1. Hintayin munang matapos ang 24 oras bago magalit at gumawa ng aksiyon. Kung natiis mong magpigil ng galit sa loob ng 24 oras, indikasyon lang iyon na walang kuwenta ang ikinagagalit mo.

2. Kapag nasa party or bar, mas magmumukha kang confident kung hahawakan mo ang wine glass, ka-level ng pusod mo.

3. Magmumukha kang attractive and intelligent kung itatagilid mo nang bahagya ang iyong ulo sa bandang kanan kapag nagpapakuha ng litrato.

4. Six Simple Health Tips:

• Kung iinom ng gamot, room temperature lang ang iinu-ming tubig.

• Huwag kumain ng big meal pagkaraan ng 5 p.m.

• Sa umaga uminom ng maraming tubig.

• Ang best sleeping time ay mula 10 p.m. hanggang 4 a.m.

•  Huwag hihiga pagkatapos kumain.

• Kapag sasagot sa tawag, sa kaliwang tenga  ilagay ang telepono.

5. Hindi sa lahat ng panahon ay mapagkakatiwalaan ang iyong paningin. Ang pinong asin ay mukhang asukal sa big­lang tingin. Suriing mabuti ang isang bagay bago ka bumuo ng konklusyon.

6. Mas tumatagal ang init ng kape (28 percent longer) kung ito ay may coffee creamer.

7. Ang pag-iisip ng problema ay kahalintulad ng pag-upo sa tumba-tumba. Feeling busy ka, pero wala kang nararating sa ginagawa mo.

8. Base sa pag-aaral na ginawa sa U.S., kapag bestfriend ang iyong pinakasalan, tumataas ang tsansa na forever na ang pagsasama ng dalawa. Mga 30 percent na lang ang tsansa ng divorce.

9. Base sa scientific study, ang ating utak ay nagsisimulang gumana para unawain ang mga itinuturo  tuwing 10 am. Kaya ang konklusyon ng mga scientist, masyadong maaga ang pagpasok ng mga bata sa school.

10. Isang gabing ibalot ng ina sa kanyang katawan ang blanket ng bagong silang niyang sanggol. Kinabukasan, iyon ang kumot na gamitin sa kanyang baby. Mahihimbing siya dahil nakadikit na sa blanket ang amoy ng kanyang ina.

HEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with