^

Punto Mo

EDITORYAL - Itataas ang multa sa traffic violations

Pang-masa

MURA lang ang multa sa mga lumalabag sa batas trapiko kaya balak ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na doblehin ang taas nito. Ito raw ay para magkaroon ng aral ang mga motorista at hindi na ulitin ang pagkakamali sa kalsada. Kung dodoblehin ang taas ng multa maaaring tumino ang motorista at mga drayber ng pampublikong sasakyan. Ayon kay MMDA chairman Tim Orbos, ang kasalukuyang multa ay ini-imposed pa noong 2007 o 10 taon na ang nakalilipas kaya hindi na ito detterent. Mababa na ang multa kaya hindi na natatakot ang mga motoristang magbayad. Kayang-kaya na umano nilang bayaran ang multa kaya naman naisip ng MMDA na taasan ito.

Halimbawa na lamang ay ang multa sa illegal parking na nagkakahalaga ng P500. Kayang-kaya na itong bayaran sapagkat balewala na ang halagang ito ngayon. Ganundin naman ang multa sa mga motoristang lumalabag sa number coding na ang halaga ay P300 lamang. Balewala ang P300 na multa kaya marami ang lumalabag. Ayon kay Orbos, kapag dinoble ang multa maaaring magdalawang isip ang motorista at madidisiplina siya para sumunod  sa batas trapiko.

Maganda ang balak na ito ng MMDA para ma-disiplna ang mga pasaway na motorista na ginagawang laruan ang kalye. Dahil sa paglabag nila sa trapiko, nalalagay sa panganib ang buhay ng iba pang motorista. Mayroong dahil sa hindi pagsunod sa ilaw-trapiko na kahit dilaw na ay nagpapabilis pa ng takbo sa halip na bumagal, kaya nababangga at nakakasagasa ng pedestrians. Mayroong palipat-lipat ng lane at walang pakialam kung may masagasaan sa ginagawang pagmamaneho.

Tama lang ang hakbang ng MMDA pero siguruhin lamang na hindi masusuhulan ang traffic enforcer. Baka naman kapag nahuli ng enforcer ay “magkalagayan” lang. Balewala ang gagawin ng MMDA na dagdag-multa kung sa bulsa ng enforcer pupunta.

vuukle comment

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with