EDITORYAL - Bantayan sa terorista ang Metro Manila
(Pang-masa) - March 23, 2017 - 12:00am

MGA terorista ang may kagagawan ng Rizal Day bombing noong taon 2000 na ikina-matay ng daang katao. Mga terorista rin ang may kagagawan ng pagsabog sa isang bus sa Makati na tinaguriang Valentine bombing na ikinamatay ng apat na tao. Ang pagsabog sa isang passenger ferry ilang oras makaraang makaalis sa Manila port ay kagagawan din ng terorista. At ang pagsabog sa Davao City na iknamatay ng 15 katao noong nakaraang taon ay mga terorista rin ang may kagagawan.

Kaya nang may mahuli ang Philippine National Police (PNP) na isang miyembro umano ng Maute group sa Quezon City noong Lunes ng gabi, nakapagdulot ito ng takot. Nakapasok na ang mga terorista sa Metro Manila? Sabi ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa, ang suspect na nakilalang si Nasip Ibrahim, 35, taga-Marawi City ay suspect din sa bigong pagpapasabog sa US Embassy sa Maynila noong Nobyembre ng nakaraang taon. Naaresto si Ibrahim sa Salaam Compound sa Bgy. Culiat, Quezon City. Nakakumpiska ang mga pulis ng mga baril na kinabibilangan ng dalawang .45 caliber pistols, isang 9mm pistol, isang submachine gun at isang explosive device na may 60mm mortar at mga bala. Nakakumpiska rin ng pitong packets ng shabu sa suspect. Itinanggi naman ng suspect na sa kanya ang mga baril at shabu.

Bukod kay Ibrahim, isa pang suspect na umano’y miyembro rin ng Maute ang pinaghahanap nila. May warrant of arrest na umano ang suspect.

Nakapangangamba ang pagkakaaresto sa sinasabing terorista. Dapat maging alerto pa ang PNP. Paano nakapasok sa Metro Manila ang sinasabing miyembro ng Maute. Mahina ang intellengce gathering. Mabuti na lang at nahuli ang suspect. Kailangan pa ang pagmamanman ng PNP.

PNP RIZAL DAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with