Karapatang pantao, hindi para sa demonyo!
BAKAS! - Kokoy Alano (Pang-masa) - March 15, 2017 - 12:00am

MASAYA na naman ang drug peddlers ngayong nagbago ng estratehiya ang Operation Tokhang ni Gen. Bato dela Rosa. Mas marami ang nahuhuling buhay na mga ulupong ng lipunan kaysa namamatay dahil sa diumano’y panlalaban. Binagyo ng tuligsa at pagkondena ang mga nakaraang operasyon ng gobyerno laban sa bawal na droga ng Local at International Human Rights Commissions na naging sanhi ng demoralisasyon sa hanay ng pamunuan ng bansa lalo na sa PNP.  Sa mga darating na araw, hindi malayong tuligsain naman ang kakulangan ng pasilidad ng mga maaaresto halimbawa na rito ang mga kulungan, rehabilitation centers, jail hospitals  at maging ang pagkain at damit ng mga preso.  Sa kalagayan ng mga kulungan ngayon, kailangan ng karagdagang pondo para maisaayos at mapalaki ang paglalagakan ng mga maaresto. Pero ayon sa mga matitinong kritiko, ang dapat na unahing paglaanan  ng gobyerno nang malaking budget ay ang mga matitinong estudyante at mga nagsisikap na mabuhay na mga mahihirap nating kababayan na gusto ng malusog, masagana at mapayapang pamayanan kaysa naman sa mga salot at demonyong naglipana sa pamayanan.

Ipinagdiriwang din marahil ng Simbahang Katoliko at nang maraming sektor ng lipunan ang pagbabago ng estilo ng gobyerno sa pagsugpo sa bisyong droga pero, dapat naman na tumulong din sila at hindi puro panunuligsa lamang ang alam nilang gawin. Meron din dapat na mga maibabahaging alternatibong paraan ang simbahan at CHR para maging kapani-paniwala sila at mailayo sa pagdududa ng mamamayan na may hidden agenda ng pakikipagsabwatan sa demonyo ang nasa likod ng kanilang pagpuna.

Iba’t ibang rebelasyon at angulo ang bumalot sa mga insidente ng pagpatay sa kilalang drug pushers. Merong ang dahilan ay ang kumpetisyon sa negosyo  ng magkalabang sindikato ng droga at meron din naman na diumano’y onsehan sa remittances o itinatakbo ng pushers ang  pinagbentahan sa  droga na kapani-paniwala rin naman. 

BAKAS sa UNTv RADYO LA VERDAD 1350 KHz AM Band Sabado 5:00-7:00 p.m.

BATO DELA ROSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with