Gantimpala
DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - February 27, 2017 - 12:00am

MALIGAYANG-MALIGAYA ang hari dahil pagkatapos    ng 10 taong paghihintay na magkaanak, isang malusog na lalaki ang iniluwal ng mahal na reyna.

Nang araw ding iyon, nag-organize ng party ang palasyo. Inimbita ang magagaling na chef sa buong kaharian. Niluto ang pinakamasarap na recipe ng bawat chef. Isang bagay lang ang napansin ng hari, walang isda sa mga nilutong menu. Gusto sana ng hari ay may isda sa mga pagkaing ihahanda. At hindi lang isda, malaking isda ang gusto niya. May pamahiin ang hari na magiging matapang at magaling na mandirigma paglaki ang isang sanggol kung hahandugan siya nang malaking isda pagkasilang nito.

Kaagad nag-anunsiyo ang hari sa isang fishing community na bibigyan niya nang malaking gantimpala ang mangingisdang makapagdadala sa kanya nang malaking isda sa loob ng walong oras. Isang lalaki ang agad nakahuli nang malaking isda at dinala niya ito sa palasyo. Pero ayaw siyang papasukin ng guwardiya. Gusto ng ganid na guwardiya na ibigay sa kanya ang 50 percent na gantimpalang matatanggap nito mula sa hari. Walang nagawa ang lalaki kundi pumayag sa kondisyon.

Natuwa ang hari pagkakita sa malaking isda na bitbit ng lalaki. Nang ibibigay na ng hari ang 100 piraso ng gold coins sa lalaki, buong galang na tinanggihan ng lalaki ang gantimpala.

“Mahal na hari, gusto ko pong 100 hagupit sa aking likod ang ibigay mong gantimpala”.

“Bakit?”

“Kanina po, muntik ko nang hindi maibigay sa inyo ang handog kong isda dahil ayaw akong papasukin ng iyong guwardiya. Papapasukin lang daw niya ako kung ang kalahati ng aking matatanggap na gantimpala ay ibibigay ko sa kanya. Pumayag ako kahit laban ito sa aking kalooban. Hindi po siya karapat-dapat na tumanggap ng ginto dahil hindi siya naghirap sa paghuli ng isda. Mas mamarapatin ko pang magpalatigo sa likod kaysa hayaang maging masaya ang guwardiya na makihati sa ginto. Makihati siya ngayon sa hagupit ng latigo.”

Isang desisyon ang ginawa ng hari. Dalawang gantimpala ang ibinigay niya: Isandaang hagupit ng latigo ang ibinigay sa guwardiya at 100 piraso ng gold coins naman sa mangingisda.

PARTY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with