Pera ng jueteng tukso rin!
BAKAS! - Kokoy Alano (Pang-masa) - February 17, 2017 - 12:46am

MARIING ipinag-utos ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagbuwag at pag-aresto sa mga operators ng sari-saring bawal na sugal sa bansa tulad ng jueteng, masiao at mga bookies sa bansa. Noong 2010, dalawang buwan pa lamang si dating Pres. Noynoy Aquino sa kanyang panunungkulan nang simulan ang kampanya laban sa iligal na mga sugal, katulong sa pagbubunyag si retired Archbishop Oscar Cruz na nagpalutang sa mga pangalan ng ilang gobernador, mayor, congressman, retired general at ilan pang matataas na pinuno ng bansa. Kahit ang senado ay nakialam na rin, pero nauwi rin sa wala ang imbestigasyon.

Matatandaan na noong panahon ng panunungkulan ni Gen. Alfredo Lim sa NBI, ipinatawag din ang jueteng operators sa kanyang tanggapan pero, wala ring nakulong isa man sa operators. May mga reports noon na nailalabas at naibebenta sa ibang bansa ang mga barya na nakokolekta ng jueteng at masiao kaya naalarma ang Central Bank dahil makaaapekto ito sa takbo ng multiplier effect sa merkado at ekonomiya at nagkakaroon ng krisis sa panukling barya.

Kamakailan, nag-operate ang PNP at nakahuli ng ilang kolektor ng jueteng at mga naglalaro ng cara y cruz. Napatawa tuloy ang mga sumusubaybay. Baka raw sa susunod ay mga naglalaro ng chess at dama sa bangketa ang hulihin nila para lang masabing may accomplishments sila. 

Nagdadalawang isip siguro ang mga loko na hulihin ang jueteng. Baka nga naman kumanta ang operators na nakikinabang din ang mga halal ng bayan at opisyales ng PNP kung dadalhin na naman sa Senado ang usapin, hehehe! 

Matanda nang  isyu ang jueteng, tupada at mga pergalan pero ito raw ang pinagkukunan nang maraming barangay kapitan ng intelehensiya at mga umuorbit na pulis pandagdag sa budget kaya nagpapatuloy ang mga ganitong ilegal na sugal kalsada. Siguro, huwag lang tanggapan ng pera ang mga illegal gambling operators, titigil na kusa ang mga yan lalo’t walang protektor!

BAKAS sa UNTv Radio 1350 KHz AMBand Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com.ph

RODRIGO DUTERTE
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with
Read and share the latest news
whenever and wherever you are.
Top Stories
Features the most relevant stories,
exclusive content, analyses and special reports.
As It Happens
Get bite-sized highlights and up-to-date
information as the news breaks.
Latest
View the most recent
stories of the day.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
Log-in
Lorem ipsum dolor sit amet,
consectetur adipiscing elit.
Quisque justo est, auctor vel ullamcorper.
How to follow As It Happens stories
STEP 1
Click the story in the As it Happens section.
How to follow As It Happens stories
STEP 2
Click "Follow Story" for updates on the news.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Author
STEP 1
Click on the author's name in the article.
How to follow Author
STEP 2
Once you click on the author's name, you will be
brought to the Authors page. Click "Follow Author"
to stay updated on the author's works
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.
How to follow Tags
STEP 1
Click on a tag in the article.
How to follow Tags
STEP 2
When you click on a tag, it will take you to the
dedicated tag page where you'll see the article
viewed, along with other stories with that tag.

Click the "follow tag" button to stay updated on
the topic.
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Aliquam eu metus vitae felis tincidunt finibus ut id sapien. Integer volutpat dui eu malesuada dignissim. Sed varius justo nulla, fringilla convallis sem porta sed.