EDITORYAL - Mga minahan na sumisira sa Surigao
(Pang-masa) - February 14, 2017 - 12:00am

KUNG hindi lumindol sa Surigao na ikinamatay ng walong tao at nagwasak sa mga bahay at gusali, hindi makikita ang pinsalang dulot naman ng mga minahan sa nasabing lugar. Isa ang Surigao sa mga probinsiyang sinisira ng mga iresponsableng mining companies. Ang mga bundok sa Surigao ay winasak at ang watersheds ay sinira. Ang mga latak ng minahan ang dahilan kaya may mga ilog na namatay at nawalan ng ikabubuhay ang mga magsasaka at mangingisda.

Nang dumalaw si President Rodrigo Duterte noong Linggo sa Surigao para alamin ang kalagayan ng mga taong naapektuhan ng lindol, mariin niyang sinabi na ipasasara niya ang mga minahan sa lugar. Hindi raw siya mangingimi na ipasara ang mga minahan na sumisira sa kalikasan. “I think if they fail reverse what they dug up, I will close all of them,” sabi ng Presidente sa mga residente. Pero lahat daw nang mga residenteng maaapektuhan ng mga minahan na kanyang ipasasara ay tutulungan.  Hahanap daw siya ng alternatibong pagkakakitaan ng mga maaapektuhang manggagawa sa minahan.

Isa ang Surigao sa tinukoy ni DENR Sec. Gina Lopez na masyado nang nasalanta ang kalikasan dahil sa mga iresponsableng mining company. Noong nakaraang linggo, 23 minahan ang ipinasara ni Lopez sapagkat sinisira ng mga ito ang mga kabundukan at watershed areas. Pinapatay ang mga ilog at tinatabunan ng mga latak ang mga kabukiran. Sinuportahan ni Duterte ang ginawa ni Lopez. Ikinatuwa rin ng mga mambabatas at sector na nagmamalasakit sa kalikasan ang ginawa ng DENR secretary. Ang mga minahan na ipinasara ay nasa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Homonhon Island, Benguet, Bulacan at Zambales. Sabi ni Lopez nang hirangin noong Hulyo 2016, ipinahayag niya, “I don’t like mining, the foreigners and the rich are the only ones benefitting from it but the farmers and the fishermen suffer.” 

Ipagpatuloy ang pagpapasara sa mga iresponsableng minahan. Huwag hayaang masira ang kalikasan na pinagkukunan ng ikabubuhay.

SURIGAO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with