^

’Yang pagpili ng mapapa-ngasawa…

DIKLAP - Ms. Anne (Pang-masa) - January 15, 2017 - 12:05am

MAY kakilala akong dalawang lalaki na nagmula sa magkaibang henerasyon: si Dante na 45 years old at si Vir na 67 years old. Iisa ang kanilang naging kapalaran, pareho silang iniputan sa ulo na kanilang mga misis.

Palibhasa ay pareho ko silang kilala, nasundan ko ang episode ng kanilang buhay pag-ibig. Si Dante ay medyo tisoy kaya mabilis makabola ng babae. Halos lahat ng mga “maids” ng kanilang kapitbahay ay naging syota nito. Nang magkatrabaho ay tindera naman sa grocery ng Intsik ang naging nobya. Pero ang natiyempuhan niyang buntisin ay isang factory worker kaya ito ang pinakasalan niya. Ganoon siya pagdating sa babae, kung sino ang mabilis bolahin iyon ang kanyang syosyotain nang hindi nag-iisip.

Sapilitang nagpakasal sila ng babaeng factory worker kasi buntis na. Kaya nagkaroon lang sila ng pagkakataon mag-getting to know each other nang magkapisan na sila sa iisang bubong. Mas madalas ang bangayan kaysa lambingan kaya one day sumama ang babae sa isang lalaking kalbo pero may kotse. E, si Dante, tisoy nga, wala namang kotse kaya doon na siya sa pangit at kalbo. Ngayon mukhang mangkukulam ang kinakasama ni Dante. Wala eh, yun lang ang nabola niya.

Si Vir naman ay madaling utuin ng babae. Halik-halikan lang ng babae ang puno ng kanyang tenga, nag-a-I Love You na kaagad. May dalawang babaeng malapit sa kanya: isang magandang nurse at isang high school graduate na butangera. Kung tutuusin, kahit siya na ang pinakabobo sa buong Pilipinas, obvious na obvious kung sino ang dapat niyang piliin. Aba sukat ba namang ang piliing pakasalan ay ang babaeng butangera na lahat ng kapitbahay ay kaaway. Inisnab ang magandang nurse. Iniwang luhaan. Ang tanging nasambit ng mga kapatid ni Vir: Napakatanga!

Isang araw, nahuli niyang nakikipaghalikan ang asawang butangera sa isang lalaki. Nagsuntukan ang dalawang lalaki. E, lampa si Vir. Siya nga ang iniputan, siya pa ang nabalian. Ang sabi ng butangerang asawa, lampa ka kasi. Mahinang dumiskarte. Mahinang lalaki.  Ang lalaking sinamahan ng butangerang asawa ay balikbayan mula sa Amerika at pinangakuang isasama siya dito. Kaso kinarma, iniwan ng lalaki ang butangera.

               

YANG PAGPILI
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with