Tutol sa pamamahagi ng condom sa mga school
Hindi ko maintindihan ang Department of Health (DOH) kung bakit ang naisipan nilang pamudmuran ng condom ay mga high school students. Ano ba ang malay ng mga high school students? Bakit napakababaw yata ng dahilan na karamihan sa mga nabubuntis ay mga high school student.
Sana ipaubaya na lang ng DOH sa mga magulang ang pagpapaaalala sa kanilang mga anak ukol dito. Maselan na bagay ito at mga magulang ang dapat magpayo. Hindi ang condom ang paraan para maiwasan ang maagang pagbubuntis. Sana ma-realized ito ng DOH.
--MAR C. LUZ, Pasong Tamo, Makati City
- Latest