^

Korapsiyon ang totoong rason!

BIRADOR - Kokoy Alano (Pang-masa) - January 11, 2017 - 12:00am

ANG unang naging hakbang ng gobyerno ay sugpuin ang malalang bisyo ng bawal na droga sa pagsusulong ng operasyon tokhang. Mahigit 3,000 na ang mga napapatay at iisa ang dahilan ng PNP nanlaban! Marahil nga ay eksaherado ang katwiran dahil magkakapareho halos ang naging estilo at ebidensiya pero, tanggap naman ng iba, maliban lang sa mga kamag-anak ng mga inosenteng nadamay kaya, dapat panagutan ng PNP ang pagkakamali nila. Pagbayarin ang mga sumablay na mga operatiba. Ayos po ba ang ganito Gen. Bato dela Rosa?

Ang  totoong sanhi ng kriminalidad ay corruption sa mga lokal na pamahalaan na nagpabaya  o kumunsinti kaya lumaganap ang iligal na droga, iligal na sugal, prostitusyon, kidnapping, holdap at snatching at gun for hire. Marami umanong mayor at gobernador ang nasa listahan ni Digong, at dahil ang DILG ang responsable sa pagdidisiplina  sa mga lokal na pamahalaan at PNP, ang panawagan ng mga tao kay Secretary Sueno ay magtrabaho na para hindi naman masayang ang ipinasusuweldo sa kanya ng mamamayan.

Corruption din ang dahilan kung bakit  naging pangbuong  bansa na ang problema sa iligal na aktibidades ng mga dayuhan dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang tiwaling opisyal ng DILG, PNP, Bureau of Immigration and Deportation (BID) at Department of Justice (DOJ).  Dahil kung hindi sana naging corrupt ang mga dating mga namuno diyan, hindi sana lumala ang problema ng bansa.  Malamang may natitira pang kakutsaba ang mga kriminal sa mga nasabing tanggapan. Kaya Mayor Digong, hagupitin mo na sila.

Mas mabuti siguro na may ebidensiya man o wala, basta ang pinag-uusapan ay command responsibility, dapat sibakin ng DILG ang mga bugok  na opisyal mula sa barangay captain, mayor at governor kung ang kanilang nasasakupan ay pinamumugaran ng mga sindikato ng iligal na negosyo, at bahala nang  magdesisyon ang korte sakali’t aapela ang mga kumag. At ang mga kampon ng demonyong fiscal at judge, isama na sa listahan ng dapat bitayin!

Kung gusto talaga ni Mayor Digong na alisin ang bulok na sistema ng politika at sugpuin ang corruption at demonic political contributors, huwag na siyang magpigil. Sipain na rin niya ang political advisers na trapo na walang silbi. Tutal, may listahan na naman siya ng mga kasangkot.  Isakdal sila bago makatakas.

BAKAS sa UNTv Radio 1350 KHz AM Band Sabado 5:00-7:00 p.m. www.untvradio.com

KORAPSIYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with