Babae sa India na inakalang namatay 40 taon na ang nakararaan, biglang lumitaw
STARTALK - Arnel Medina (Pang-masa) - January 8, 2017 - 12:00am

ANIMO’Y eksena sa isang pelikula ang nangyari sa isang maliit na bayan sa India matapos magpakitang muli ang isang babaing inakalang namatay 40 taon na ang nakararaan.

Ito’y matapos lumitaw ang ngayo’y 82-anyos nang si Vilasa sa kanyang dalawang anak sa kanilang tahanan sa Bidhnu, Uttar Pradesh.

Nagulat ang mga tao lalo na’t ang alam ng lahat ay namatay si Vilasa matapos siyang matuklaw ng cobra habang nasa bukid noong 1976.

Inakala ng kanyang pamil­ya na pumanaw na si Vilasa kaya ipinatangay nila ang kanyang katawan sa agos ng ilog Ganges alinsunod sa tradisyong Hindu.

Ngunit nawalan lang pala ng malay si Vilasa kaya nagising din siya matapos matagpuan ng ilang bangkero na nasa ilog.

Nagkaroon nga lang siya ng amnesia dahil sa nangyari at inabot ng 40 taon bago bumalik ang lahat ng kanyang alaala.

Kaya naman nito lamang Disyembre siya nakabalik sa kanyang dalawang anak na kinumpirmang si Vilasa nga ang kanilang ina na nakilala nila kaagad dahil sa kanyang balat (birthmark).

INDIAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with