Kung tulad ni Rizal
#INTRIGA PA MORE - Adong Hagupit (Pang-masa) - January 8, 2017 - 12:00am

Kung ang mga lider nitong ating bansa

Ay tulad ni Rizal ang puso at diwa,

Itong bayan nati’y laging masagana

Pagka’t di iisip ng masamang gawa!

 

Itong si Ibarra at si Maria Clara

Dapat tularan ng nobyo at nobya;

Sa pagmamahalan sila’y naiiba

Pagka’t sa pag-ibig sila’y pambihira!

 

Kung ang kabataa’y tulad ni Elias

sa “Noli” at “Fili” bagama’t marahas’

Laging nasa diwa kabutihang lahat

Itong ating bansa’y maligayang ganap!

RIZAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with