Dagdagan pa, nagpapatrulyang mga pulis sa Maynila
Dagdagan pa, nagpapatrulyang mga pulis sa Maynila
(Pang-masa) - October 31, 2016 - 12:00am

Natutuwa po ako at nababawasan na ang insidente ng holdapan sa loob ng dyipni sa Maynila, partikular sa Lawton area at Avenida. Kasi’y lagi nang may mga police car na makikita. Nagdadalawang isip na ang mga holdaper na mambiktima lalo sa gabi.

Ang gusto ko lang pong ipaabot sa hepe ng Manila Police District (MPD) ay dagdagan pa ang mga pulis na nagpapatrulya sa Quiapo area at Recto Avenue.

Maraming “namimitas” ng hikaw sa mga pasaherong nasa dyipni habang nakatigil sa may dakong Hidalgo St. malapit sa may bunganga ng Lacson Underpass. Kapag “napitas” ang hikaw, tatakbo ang kawatan patawid sa Quezon Blvd. aakyat sa pader at saka lulukso sa kabila sa tapat ng Plaza Miranda. Ta-ngay na ang hikaw ng pasahero.

Marami ring kawatan sa Recto, sa tapat ng Isetann.

Sana dagdagan ang pulis sa mga nasabing lugar.

Salamat po.

— GERALDINE ONG, Vicente Cruz St. Sampaloc, Manila

MAYNILA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with