_pang-masa
^

Simpleng ubo’t sipon: Puwedeng mauwi sa pulmonya

UBOS - Dr. Luis Gatmaitan M.D (Pang-masa) - October 22, 2016 - 12:00am

ANUMANG panahon sa ating bansa – ma-tag-araw o tag-ulan - kabi-kabila ang nagkakaroon ng lagnat, trangkaso, ubo’t sipon. Sa isang bansang laging mainit ang panahon na madalas dinadalaw ng ulan, ang simpleng ubo’t sipon ay nauuwi sa mas malalang kondisyon. Walang sinasanto ang virus na nagdudulot ng sipon. Kung nagkataong mahina ang immune system natin, tayo ang unang madadale ng virus na ito.

Ngayon, kung napabayaan ang ubo’t sipon, puwede itong mauwi sa pagkakaroon ng bronchitis o pneumonia. Sa totoo lang, mas pamilyar ang marami sa atin sa pulmonya kaysa sa bronchitis. Mas madalas, pag binanggit ng doctor ang diagnosis na bronchitis sa pasyente, kasunod na ang tanong na “ano raw”?

Kailangan nating balikan ang anatomiya ng respiratory system upang higit nating maunawaan ang sakit na bronchitis. Ang hanging nalalanghap natin ay dumadaloy mula sa ilong hanggang sa lalamunan patungo sa trachea hanggang sa main bronchus na nagsasanga sa kaliwa at kanang bronchi – ang dulo nito ay ang ating kaliwa at kanang baga (lungs). Ang ilong at lalamunan ay tinatawag nating Upper Respiratory Tract kung kaya’t mas simple lamang kung ito ang naimpeksyon. Ang ubo’t sipon, tonsillitis, o sore throat ay tinatawag nating Upper Respiratory Tract Infection (URTI). Sa ibaba pa ng lalamunan ay matatagpuan ang bronchi (parang tangkay ng baga) at ang mismong baga (sa kaliwa at kanan). Kung bababa ang impeksyon patungo sa bronchi at baga, Lower Respiratory Tract Infection (LRTI) na ito. Mas matindi ito kaysa sa karaniwang ubo’t sipon.

Sa pulmonya, impektado ang mismong loob ng baga kung saan nagaganap ang palitan ng oxygen kaya nagdudulot ng hirap na paghinga. Sa bronchitis, ang apektado ay ang bahagi ng ating daluyan ng hangin na kung tawagin ay “bronchus” o “bronchi” (dahil dalawa ang waring tangkay na ito ng baga).

Naiimpeksyon ang mismong loob ng bronchi (bron-kay ang tamang bigkas) kung kaya’t apektado pati ang paghinga. Pero paano nga ba naiimpeksyon ang bronchi?

Karaniwang nagsisimula ito sa mga simpleng ubo’t sipon o pananakit ng lalamunan na siyang nagpapahina sa ating resistensiya. Dahil sa mikrobyong nakapasok dulot ng sipon o sore throat, na maaaring virus o bakterya, namamaga ang pinakaloob ng naturang bronchus at nagpupundar ito ng maraming mucus (sipon). Dahil sa pangyayaring ito sa loob ng bronchi, nahihirapang makadaan ang hangin kaya nagdudulot ng mahirap na paghinga.

Nagkakaroon din ng ubong tuyo na nauuwi sa pagkakaroon ng plema matapos ang ilang araw. Kung aksidenteng malulunok ng bata ang naturang plema, puwede itong mauwi sa pagsusuka.

IMMUNE SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with