^

Punto Mo

Towing companies, tututukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Eto na, mukhang sa mga towing companies  ngayon tututok  ang pansin  hindi lamang ng pamunuan ng MMDA kundi maging ng LTFRB.

Ito’y dahil na rin sa sangkaterbang sumbong na natanggap ng ahensya hinggil sa pagiging abuso ng karamihan sa mga ito kabilang na nga ang umano’y irregular towing operation.

May isa nang nasampolan ang MMDA, na inalis na nila sa listahan ng kanilang accredited towing companies dahil nga sa sumbong na iregularudad sa operasyon  sa lungsod Quezon.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon, pinatitigil na ng MMDA Legal and Legislative Staff operasyon ng Arcson Towing Services.

Hindi lang naman ngayon ang ganitong uri ng mga sumbong na bigla na lamang paghahatak ng mga sasakyan ng mga ito.

Kadalasan ay nag-aalok na rin ang mga ito nang areglo sa kanilang mga binibiktima lalo na sa mga agad-agad eh hinihila nilang mamahaling mga sasakyan.

Ilan pa nga reklamo sa mga ito,  eh kapag humila o nanghila, walang mga pakunda-ngan sa sasakyan ng iba. Kahit bago at alaga ng may-ari ang sasakyan na mistulang ayaw magasgasan, sa kamay ng mga tauhan ng towing walang ingat-ingat kaya nga marami ang nagrereklamo na nawawasak ang kanilang mga sasakyan.

Magtataka pa ba tayo, nauna rito natuklasan din ng MMDA na ilan  sa mga tauhan ng towing eh positibo sa paggamit ng droga.

Sa panig naman ng LTFRB, bubusiin naman nila kung  may kaukulang franchise ang mga tow trucks na nag- ooperate sa bansa  laluna sa Metro Manila.

Dumarami na rin umano ang sumbong  nang pag -abuso ng ibang towing companies.

Bagamat may akreditasyon na umano sa MMDA at alinmang lokal na pamahalaan ang mga tow companies, dapat din palang kumuha ng franchise ang mga ito sa LTFRB.

Sinasabing ang lahat ng sasakyan na nangongolekta ng bayad mula sa publiko ay maikokonsiderang for-hire-vehicles na dapat na kumuha ng franchise sa ahensiya para makapag- operate.

Aantabayan natin kung paano ang gagawing pagpapatino sa ilang abusadong towing na ito na marami-rami na rin ang pinahirapan. 

 

CEBU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with