EDITORYAL - Taas-tuition sa private schools
Janvic Mateo (Pang-masa) - June 10, 2016 - 12:00am

MARAMING pribadong elementary at high schools ang magtataas ng tuition fees nga-yong pasukan. Ayon sa Department of Education (DepEd), nasa 1,232 private schools ang magtataas ng tuition fees at maaari pang madagdagan. Sa Lunes ay umpisa na ng pasukan. Umpisa rin ng implementasyon ng K-12 program. Marami sa mga senior high school ang nag-enrol sa mga pribadong eskuwelahan. At ayon din sa report, marami rin ang hindi nag-enrol sa senior high school. Kakapusan sa budget ang tinuturong dahilan kaya marami ang hindi nagpatuloy. Walang masabi ang ilang magulang kung kailan magpapatuloy sa senior high school ang kanilang anak. May ilang negatibo ang pananaw na baka hindi na makapagpatuloy dahil nga sa kakapusan ng pang-tuition. Karamihan sa mga magtataas ng tuition sa private elementary at high school ay nasa Metro Manila. Ang tanong ay kung sulit naman kaya ang pagtataas ng mga pribadong eskuwelahan kung ang kalidad ng edukasyon ang pag-uusapan. Baka naman katulad din ng dati ang pagtuturo na naiiwan sa kalabasahan ang mga estudyante.

At hindi lamang ang pribadong elementary at high school ang magtataas ng tuition kundi maging ang mga pribadong kolehiyo. Ayon sa Commission on Higher Education (CHEd), sa isang linggo pa nila ilalabas ang listahan ng mga kolehiyo at unibersidad na naghain ng petisyon na makapagtaas ng matrikula.

Hindi naman masamang mag-increase ng tuition sapagkat dito kinukuha ang pampasuweldo sa mga propesor at empleado ng school, pero sana naman ay ma-improved ang quality ng pagtuturo at makapagbigay ng tamang kaalaman sa mga estudyante.

Mayroong mga unibersidad na nag-o-offer ng kurso (halimbawa ay nursing) na halos wala pang estudyante nila ang nakakapasa sa board exam. Sana bago magbigay ng go signal ang CHEd sa mga kolehiyo na magtataas ng tuition ay rebyuhin muna ang kakayahan ng mga ito. Sayang lang ang ibabayad kung walang mapupulot na kaalaman ang mga estudyante.

DEPARTMENT OF EDUCATION K-12 PROGRAM TUITION INCREASE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with