_pang-masa
^

Punto Mo

Lalaking Rapunzel, 62 feet ang haba ng buhok

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KUNG titingnan mula sa malayo ay aakalaing laging may bitbit na lubid si Savjibhai Rathwa.

Ngunit hindi lubid kundi ang sarili niyang buhok ang nakapulupot sa katawan ng 60-anyos na taga-Gujarat, India.

Sa haba nitong 62 talampakan ay kailangan talagang ipulupot na parang lubid ni Rathwa ang buhok sa kanyang katawan kung ayaw niyang sumayad ito sa lupa. Kung hindi ito nakapalupot ay ginagawa naman niyang parang turban sa kanyang ulo ang napakahabang buhok.

Upang mapanatili ang tibay ng kanyang buhok ay puro gulay at prutas lang ang kinakain ni Rathwa. Umiiwas din daw siya sa mga maaanghang na pagkain at sa mga pagkaing nabibili sa labas katulad ng fastfood.

Sinasabing ang buhok ni Rathwa ang pinakamahaba sa buong mundo dahil tinatayang dalawang beses ang haba nito sa buhok ng may hawak ng world record na taga-Vietnam.

Payag naman si Rathwa na lumahok sa proseso ng Guinness Book of World Records ngunit kailangan pa siyang mapuntahan ng mga kinatawan ng nasabing organisasyon upang masigurado na ang buhok nga niya ang pinakamahaba sa buong mundo.

16TH CONGRESS JUAN PONCE ENRILE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with