Bus na nilalakdawan ang ibang sasakyan, solusyon ng China sa trapik
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - May 30, 2016 - 12:00am

ISANG makabagong klase ng bus ang planong ipasada sa China bilang solusyon sa matinding trapik doon.

Ang high-tech na higanteng bus, na binansagang “straddling bus” dahil parang nilalakdawan nito ang ibang sasakyan na kasabay nito sa lansangan, ay de-kuryente at umaandar sa riles na parang tren.

Kayang magsakay ng bus ng 1,400 na pasahero sa takbo nitong 60 kilometro kada oras. May malawak itong espasyo sa ibabang bahagi nito kung saan maaring dumaan ang ibang sasakyan.

Ipinakita ang maliit na bersyon ng “straddling bus” kamakailan lang sa isang high-tech expo sa Beijing. Ito ay anim na taon matapos maisip ng inventor ng straddling bus na si Song Youzhou ang konsepto at disenyo ng nasabing bus.

Ayon kay Song, magiging mas maluwag ang mga lansangan sa naimbento niyang bus. Magiging mas mura rin ito kumpara sa pagtatayo ng isang subway train. Higit sa lahat, magiging mabuti rin ito para sa kalikasan dahil katumbas ng straddling bus ang 40 pangkaraniwang bus na nagbubuga ng sangkatutak na usok at kumukonsumo ng 800 tonelada ng gasolina.

Plano na ngayong magsagawa ng unang test run sa July sa bayan ng Beidaihe upang masubukan ang naimbentong bus ni Song.

CANNES FILM FESTIVAL JACLYN JOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with