Kauna-unahang toothpaste na may caffeine, nakakagising na parang kape
- Arnel Medina (Pang-masa) - February 2, 2016 - 9:00am

ISANG bagong klase ng toothpaste ang naimbento sa Amerika para sa mga taong hindi kayang mabuhay ng walang caffeine sa kanilang katawan ngunit sawang-sawa na sa lasa ng kape.

Naimbento ng American entrepreneur na si Dan Meropol, ang Power Energy Toothpaste ay ang kauna-unahang toothpaste sa mundo na nagtataglay ng caffeine kaya naman bukod sa nakakalinis ito ng ngipi­n ay nagagawa rin nitong gisingin ang gagamit nito sa pagsesepilyo.

Naisip ni Meropol na gumawa ng isang kakaibang toothpaste nang malaman niyang nasa kalahati lang ng populasyon ng Estados Unidos ang nagsesepilyo ng regular. Kaya nag-isip siya ng isang kakaibang gimik upang maengganyo ang mga tao na magsepilyo.

May nagmungkahi sa kanyang lagyan ng caffeine ang toothpaste ngunit hindi niya kaagad ito binigyan ng pansin sa pag-aakalang may nakagawa na nito. Kaya laking mangha niya nang malaman niyang wala pang toothpaste sa mga pamilihan na nagtataglay ng caffeine.

Dali-dali siyang gumawa ng formula para gumawa ng toothpaste na may caffeine at ang naging resulta na nga ay ang kanyang produktong Power Energy Toothpaste. Parang kape ito dahil magigising ang nagsesepilyo mula sa caffeine na maa-absorb ng katawan mula sa mga gilagid at bibig.

Hindi pa ipinagbebenta sa mga pamilihan ang toothpaste ni Meropol dahil nangangalap palang siya ng puhunan. Malaki naman ang tiwala niyang magagawa niya itong maipagbenta sa merkado sa madaling hinaharap dahil sa dami ng interesadong mamuhunan sa kanyang produkto.

ACIRC ANG DAN MEROPOL ESTADOS UNIDOS KAYA MALAKI MEROPOL NAIMBENTO NAISIP POWER ENERGY TOOTHPASTE TOOTHPASTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with