^

Kotse sa New York, nagmistulang ice sculpture dahil sa sobrang lamig

- Arnel Medina (Pang-masa) - January 14, 2016 - 9:00am

ISANG kotse ang parang naging ice sculpture mata-pos  i-park sa tabi ng isang lawa sa New York.

Magdamag na iniwan ng 24 anyos na si Justin Yelen ang kanyang Mitsubishi Lancer malapit sa Lake Erie upang dumalo sa isang salo-salo noong nakaraang linggo. La-king gulat niya nang balikan na niya ito kinaumagahan dahil balot na ang kanyang kotse ng isang pulgadang yelo.

Masama ang panahong nararanasan ngayon sa New York at may ilang lugar na doon ang natatabunan ng napakakapal na snow. Ngunit hindi ang malamig na panahon ang tanging dahilan kung bakit nagyelo ang kotse ni Justin.

Pinaghihinalaang ang malalakas na alon mula sa kalapit na lawa na humampas sa kotse ang sanhi kung bakit ito nabalot ng yelo. Nagkataon kasing malakas ang ihip ng hangin sa lawa noong gabing iniwan ni Justin ang kanyang kotse at ang malakas na hangin na ito ang nagdulot ng malalakas na alon. Ang tubig na dala ng mga along humampas sa kotse ang naging yelo at bumalot sa kotse sa nagdaang magdamag.

Hindi naman alam ni Justin ang gagawin sa kotse na nandoon pa rin sa lugar kung saan niya iniwan ito. Bukod sa pagdarasal na wala sanang pinsala ang kanyang sasakyan ay umaasa rin siyang darating ng maaga ang tag-init upang maalis na ang yelong nakabalot sa kanyang kotse.

ANG BUKOD JUSTIN JUSTIN YELEN KOTSE LAKE ERIE MAGDAMAG MASAMA MITSUBISHI LANCER NAGKATAON NEW YORK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with