EDITORYAL – Nakita ng buong mundo ang husay ng mga Pilipino
(Pang-masa) - December 23, 2015 - 9:00am

SALAMAT kay Pia Alonzo Wurtzbach sapagkat nakita sa buong mundo ang husay ng mga Pilipino. Walang alinlangan na pinakita ni Pia ang husay, ganda, at talino. Pinatunayan niya na kayang maki­pagsabayan ang mga Pilipino sa anumang larangan. Si Pia ang tinanghal na Miss Universe 2015. Tinapos ni Pia ang matinding pagkauhaw ng Pilipinas sa korona ng Miss Universe sa loob ng 42 taon. Si Pia ang ikatlong Miss Universe. Una ay si Gloria Diaz noong 1969 at si Margie Moran noong 1973.

Bagama’t nagkaroon ng kontrobersiya sa pagsasabi ng nanalong Miss Universe -- unang nasabi na Miss Colombia -- hindi iyon naging hadlang para lalong magbunyi ang mga Pilipino nang ihayag na si Pia ang Miss Universe 2015. Hindi makapaniwala si Pia sa pangyayari hanggang ilipat sa kanya ang korona. Humingi naman ng paumanhin ang host na si Steve Harvey.

Nakilala na naman ang mga Pilipino sa mundo sa pamamagitan ni Pia. Naidagdag ang kanyang pangalan sa mga Pilipinong nagbigay na ng kara­ngalan sa bansa. Hindi lamang sa larangan ng beauty competition nangingibabaw ang mga Pilipino kundi pati sa sports. Nakilala ang bansa dahil kay boxing champion Manny Pacquiao na nagpakita nang husay sa bawat laban.

Nakilala rin ang Pilipinas dahil sa husay ni Lea Salonga na tinanghal sa husay sa pag-awit. Nakilala si Lea sa “Miss Saigon”. Sino rin ang hindi makakakilala sa husay ni Allan Pineda o mas lalong kilala bilang Apl.de.ap.

Salamat kay Pia sapagkat muli niyang iniangat ang Pilipinas at naniniwala kami na sa kanyang ipinakita, marami pang magagandang Pinay ang tutulad sa kan­ya. Nagbigay siya ng pag-asa at inspirasyon sa mga naghahangad maging beauty queen. Tiyak na marami pang susunod sa kanyang mga  yapak.

Sana, sa susunod na beauty pageant isa na namang mahusay na Pinay ang mag-uwi ng korona.

ACIRC ALLAN PINEDA ANG GLORIA DIAZ MGA MISS UNIVERSE NAKILALA PIA PILIPINAS PILIPINO SI PIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with