Calamity funds, bantayan
KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar (Pang-masa) - December 21, 2015 - 9:00am

DAHIL sa pagdedeklara ni Pres. Noynoy Aquino ng national calamity ay mangangahulugan ito na maaring magamit ng lahat ng lokal na pamahalaan ang kanilang calamity funds kahit hindi naman tinamaan ng bagyo.

Apat ng probinsiya ang naunang isinailalim sa state of calamity na tinumbok at pininsala ng bagyong nona.

Ikinatwiran ng Malacañang na inirekomenda kasi sa pangulo ang pagdedeklara ng national calamity kung kayat ito ay agad naman inaprubahan.

Pero ang nakakapangamba dito ay baka abusuhin ang calamity funds ng mga incumbent na opisyal lalo nat nalalapit na ang 2016 elections.

Kaya naman hindi maiiwasan na pagdudahan ang hakbang na ito ay para mapalaks ang tiyansa ng kandidato ng administrasyon na si Mar Roxas.

Pero batay sa survey ay kahit ano pang gawing pagpapapansin ni Roxas sa mga botante ay nananatiling kulelat ito sa mga survey na indikasyon na mahihirapan itong manalo sa eleksiyon.

Sa ngayon ay si Roxas ang may pinakamarami rin advertisement sa radyo at telebisyon kumpara sa mga kapwa presidential candidates.

Pero ang dapat gawin nating lahat ay magmatyag sa posibleng pag abuso sa calamity funds at tiyakin na mapaparusahan ang mga ito .

Ayon mismo kay dating Budget secretary Ben Diokno at da-ting national treasurer Briones ay lubhang napakapanganib ang pagdedeklara ng national calamity upang abusuhin at magamit sa pulitika ang calamity funds.

Dapat ay mismong si President Aquino ay bantayan niya ang mga calamity funds dahil maaring masira ang imahe nya dito at maakusahan na gumawa ng daan sa katiwalian.

ANG APAT ATILDE AYON BEN DIOKNO CALAMITY MAR ROXAS NOYNOY AQUINO PERO PRESIDENT AQUINO ROXAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with