EDITORYAL – Maglalaho na naman ang mga pulubi
(Pang-masa) - November 11, 2015 - 9:00am

HABANG papalapit ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit, naglalahong parang bula ang mga pulubi at mga palaboy sa kalye. Dati, maraming pulubi sa Roxas Blvd., Taft Avenue, Tramo at iba pang kalsada pero ngayon, wala na sila. Pati ang mga kumakatok sa mga bintana ng sasakyan para mamalimos ay nawala. May ilang bahagi ng mga kalsada sa paligid ng Luneta ang tinakpan ng mga yero. Kung ano ang nasa loob niyon ay walang makapagsabi.

Inamin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na binigyan nila ng P4,000 cash ang mga pamilyang nakatira sa bangketa para humanap ng ibang matitirahan. Pati ang mga vendor sa kahabaan ng Roxas Blvd. ay pinaalis. Ang mga batang umaakyat sa dyipni at namamalimos ay pinagdadampot umano ng mga pulis at mga tauhan ng DSWD at dinala sa kanilang tanggapan para doon mamalagi.

Ganito rin ang nangyari nang dumalaw si Pope Francis noong nakaraang Enero. Pinagdadampot ang mga pulubi at mga nanlilimahid na bata at dinala sa isang resort sa Batangas at doon pinakain, binihisan, pinasaya sa pamamagitan ng kung anu-anong programa at games. Inamin ito mismo ng DSWD.

Nang makaalis na ang Papa, muling hinakot sa Metro Manila ang mga pulubi at bata. Makaraan pa ang ilang araw, nasa kalye na uli ang mga pulubi at mga batang palaboy. Balik uli sila sa paggawa ng masisilungan sa Baywalk, sa ilalim ng LRT sa Rizal Avenue at sa mga ilalim ng flyover at mga puno. Mayroon pang sa center island mismo naglagay ng mga sira-sirang sako at doon na naninirahan. Doon na rin sila dumudumi kaya umaalingasaw sa baho.

Maaaring ganito muli ang mangyari pagkatapos ng APEC. Walang pagkakaiba sa mga nakaraan. Paulit-ulit lang. Hindi ba makagagawa nang pangmatagalang solusyon ang DSWD sa problemang ito? Hanggang P4,000 lang ba ang kayang ibigay at pagnaubos ay balik na naman sila sa kalye?

ANG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT INAMIN METRO MANILA MGA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION PATI POPE FRANCIS RIZAL AVENUE ROXAS BLVD TAFT AVENUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with