Mag-asawa sa France,gumastos ng $300,000 sa plastic surgery para maging kamukha nina Barbie at Ken
- Arnel Medina (Pang-masa) - October 23, 2015 - 10:00am

MARAMING nagnanais na maging kamukha nang hinahangaan nilang artista o mga sikat na personalidad. Maging ang mga superheroes ay gusto na ring gayahin. Hindi lamang ang mukha ang ginagaya kundi pati ang pananamit.

Sa France ay kakaiba ang kinahumalingan ng mag-asawang sina Quentin Dehar, 23, at Anastasia Reskoss, 20. Masyado silang na-obsessed sa manikang sina Ken at Barbie.

Nagkakilala sina Quentin at Anastasia sa isang boat party noong 2013 at madaling nagkahulihan ng loob, Nalaman na lamang nila na umiibig sila sa isa’t isa.

At saka nila nalaman na iisa rin pala ang kanilang kinahuhumalingan --- ang manika.

Ang kanilang pagka-obssessed sa manika ay lalo pang lumalim. Hanggang sa ipasya ng dalawa na i-transform ang sarili sa kinahuhumalingang manika. Gumastos sila ng $300,000 para maging kamukha nina Ken at Barbie.

Unang attempt nila ay hindi pa perpekto ang pagkakahawig nila sa kinahuhumalingang mga manika. Hanggang sa unti-unti ay maging kahawig na nila ang mga ito. Dumaan sila sa 15 procedures.

Sabi ng dalawa, hindi sila titigil at kahit lumampas sa $300K ang gastos ay susugal pa rin sila basta maging kamukha nila sina Ken at Barbie.

ANASTASIA ANASTASIA RESKOSS ANG BARBIE DUMAAN GUMASTOS HANGGANG MASYADO NAGKAKILALA QUENTIN DEHAR SA FRANCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with