Nadebelop na supercomputer, maaari nang ma-predict kung kailan mamamatay ang pasyente
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 21, 2015 - 10:00am

MAAARI nang ma-predict kung kailan mamamatay ang isang pasyente. Ito ay sa pamamagitan ng isang na-develop na supercomputer na magdedetermina sa condition ng pasyente base sa record nito at iba pang data. Mamo-monitor ng supercomputer kung kailan yayao ang pasyente.

Ang supercomputer na na-develop sa Boston ay masyadong sophisticated na kayang-kayang malaman ang kalagayan ng pasyente. Mabilis din nitong ma-diagnose kung ano ang mali sa pasyente bago pa man ito ma-check-up ng doctor. Kung minsan ang nagawa ng computer sa pasyente ang pinagbabasehan na rin ng doctor.

Sabi ng project leader na si Dr. Steven Horng, nakakapag-predict ang supercomputer ng 96 percent na malapit nang mamaalam ang pasyente. Nasasabi ng computer kung ang pasyente ay malapit nang mamatay at nagbibigay pa ng araw kung kailan magaganap. Halimbawa raw ay maaaring mamatay ang pasyente in the next 30 days.

Tuwing ikatlong minuto ay sinusukat ng computer ang vital signs ng pasyente at kinukumpara ito sa 250,000 records. Kapag na-analyze, magkakaroon na ito ng prediksiyon sa pasyente.

Sinabi naman ni Dr. Horng na sa pagkakadebelop ng computer ay hindi nila nais palitan ang mga manggagamot. Siyempre aniya, mas maabilidad ang mga doctor o mga clinician.

ANG DR. HORNG DR. STEVEN HORNG HALIMBAWA ITO KAPAG KUNG MABILIS NASASABI PASYENTE SABI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with