Sekreto nang mahabang buhay ng isang lola sa Texas: 3 cans ng softdrinks araw-araw
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - September 15, 2015 - 10:00am

NAGDIWANG ng kanyang ika-104 birthday noong nakaraang Marso 2015 si Elizabeth Sullivan at ang kanyang sekreto sa mahabang buhay ay ang pag-inom ng tatlong lata ng Dr Pepper. Ang Dr Pepper ay isang kilalang brand ng softdrinks sa United States.

Si Elizabeth, taga-Fort Worth, Texas ay 40 taon nang umiinom ng Dr Pepper. Nag-umpisa siyang uminom nito noong siya ay 60-anyos.

Ayon pa sa matanda, marami ang nagpayo sa kanya na tigilan na ang pag-inom ng softdrinks at kabilang dito ang mga doctor pero hindi niya sinunod. Gustung-gusto raw niya ang Dr Pepper at ang sabi pa niya ang mga nagpapayo raw sa kanyang huwag nang uminom ng softdrinks ay mas nauna pang namatay kaysa kanya. Siya raw ay nananatiling malakas at buhay na buhay dahil sa Dr Pepper.

Sa halip daw na kape o gatas ang inumin niya sa umaga, Dr Pepper ang tinutungga niya.

Ganunman, bukod daw sa tatlong lata ng Dr Pepper na sekreto niya sa mahabang buhay, dapat daw ay mamuhay lamang nang tama at positibo ang pananaw.

ANG AYON DR PEPPER ELIZABETH SULLIVAN FORT WORTH GANUNMAN GUSTUNG MARSO PEPPER SI ELIZABETH UNITED STATES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with