^

Punto Mo

Lalaki sa China, naglakad ng 1,000 milya para mapakasalan ang nobya

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG 2011, nag-propose ang Chinese artist na si Peiwen Liu sa kanyang girlfriend upang sila ay magpa-kasal na. Tinawanan lamang siya ng babae at pabiro nitong sinabi na papakasalan niya lamang si Liu kung maglalakad ito ng 1,000 milya.

Kung ang ibang lalaki ay susuko na lang at magha-hanap na lamang ng ibang mapapangasawa, iba si Liu. Li-teral niyang sinunod ang hamon ng babae at sinimulan ang paglalakad ng 1,000 milya para masunod ang kondisyon nito upang sila ay magpakasal.

Sinimulan ni Liu ang kanyang paglalakbay sa siyudad ng Anyang na nasa Henan province. Pakay niyang mara-ting ang siyudad ng Guangzhou na 1,000 milya ang layo. Pinili niya ang nasabing siyudad dahil doon lumaki ang kanyang nobya at plano niyang dalawin ang mga magulang nito.

Dala-dala ang isang backpack at gamit ang kanyang compass ay naglakbay si Liu mula Anyang hanggang Guangzhou sa pamamagitan ng paglalakad. Naglalakad si Liu ng humigit-kumulang 25 milya araw-araw. Nagawa pa niyang ibalita sa kanyang blog ang kanyang mga naging karanasan sa kanyang paglalakbay.

Inabot si Liu ng 35 araw bago niya narating ang Guangzhou. Sa kasamaang palad, hindi pa rin sila nagkatuluyan ng kanyang nobya dahil wala pala talaga itong balak na siya ay pakasalan. Sa kalagitnaan pa lamang ng kanyang paglalakbay ay pinipigilan na nito si Liu sa kanyang ginagawa. Pagdating ni Liu sa Guangzhou, nagpaalam sa kanya ang babae sa pamamagitan ng text message na nagsasabing wala talaga itong balak magpakasal sa kanya.

Ngayon ay naghahanap si Liu ng babaing tunay na magmamahal sa kanya.

ANYANG

DALA

GUANGZHOU

HENAN

INABOT

KANYANG

LIU

NAGAWA

NAGLALAKAD

PEIWEN LIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with