^

Punto Mo

Bus sa Canada, hinay-jack ng 9-anyos na batang lalaki

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG bus sa Saskatoon City, Canada ang muntik nang matangay matapos i-hijack ng isang 9-anyos na batang lalaki kamakailan.

Ang bata, na hindi na isinapubliko ang pangalan dahil sa kanyang pagiging menor de edad ay nakasuot pa ng pajama nang pasukin ang bus at patakbuhin ito.

Ayon sa mga nakasaksi, nagawang patakbuhin ng bata ang bus dahil iniwan ito ng driver na buhay ang makina. Hindi rin ikinandado ng driver ang pintuan ng bus kaya nagawang pasukin ng bata.

Natigil lamang ang ‘joyride’ ng bata nang bumangga ang bus sa isang truck at sa isang nakaparadang kotse. Wala namang nasaktan sa nangyaring banggaan ngunit nabasag ang windshield ng na-hijack na bus.

Agad namang rumesponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng insidente. Aminado ang mga namamahala ng pampublikong transportasyon ng Saskatoon na may naging pagkukulang ang kanilang mga tsuper kaya ini­imbestigahan na nila kung sino dapat ang managot sa nangyari.

Wala namang plano ang mga pulis na sampahan ng kaso ang bata dahil sa pagiging menor de edad nito.

AMINADO

AYON

BATA

BUS

DAHIL

ISANG

NATIGIL

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with