^

Punto Mo

Bata sa China, nakaligtas sa pagkahulog dahil sa malalapad na taynga

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG anim na taong gulang na bata sa China ang muntik nang mahulog mula sa ikawalong pa­lapag ng tinitirhang apartment matapos siyang lumusot sa mga rehas na nagsisilbing harang sa mga bintana. Mabuti na lamang at suma­bit ang kanyang tenga sa bakal na pumigil sa kanyang pagbulusok pababa.

Ang bata na nag-ngangalang Ming Ming, ay nakatira sa apartment kasama ng kanyang lolo. Nang araw nang mangyari ang insidente, iniwan siya nito kaya nagising mag-isa si Ming Ming. Dahil nagtataka kung bakit siya mag-isa sa kanilang apartment, pumunta si Ming Ming sa bintana upang tumingin sa labas at hanapin kung saan nagpunta ang kanyang lolo.

Sumampa si Ming Ming sa pasamano. Nang di-sinasadya ay nahulog siya at lumusot sa mga rehas dahil manipis ang kanyang katawan. Tuloy-tuloy sana ang pagbagsak niya kung hindi dahil sa kanyang malalapad na mga taynga na sumabit sa mga rehas.

Nakita siya ng mga tao sa ibaba na humingi ng saklolo sa mga bumbero. Kaagad namang dumating ang mga bumbero na gumamit ng pang­wasak ng rehas upang maalis si Ming Ming sa pagkaipit sa mga bakal.

Ayon sa mga bumbero, ma­suwerte si Ming Ming hin­di lamang dahil nagawang suma­bit ng mga taynga niya sa rehas kundi dahil hindi siya na-suffocate sa pagkakasabit. Maaari kasing mapuwersa ang leeg ng isang tao kung malagay sa posisyong katulad ng  kinalagyan ni Ming Ming.

vuukle comment

AYON

DAHIL

KAAGAD

KANYANG

MAAARI

MING

MING MING

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with