^

Bangkay ng babae nakitang nakaupo sa harap ng TV pagkalipas ng 42 taon!

- Arnel Medina (Pang-masa) - October 9, 2013 - 12:00am

NOONG 1966, inireport ang pagkawala ni Hedviga Golik, 42, ng Croatia. Hinanap siya ng Croatian police subalit hindi siya natagpuan. Maraming tinanong ukol sa babae pero walang makapagsabi kung nasaan siya. Ayon sa mga kapitbahay ni Hedviga, huli nila itong nakita sa bakuran ng bahay nito noong 1966. Mula noon, hindi na nakita at inakala nila na lumipat na ito sa isa pang bahay sa Zagreb.

Hanggang sa mabilis na lumipas ang panahon. At isang araw, noong 2008, makaraan ang 42 taon, biglang pumutok ang balita na natagpuan na si Hedviga ng mga pulis.

Nakita ang kanyang bangkay sa loob mismo ng kanyang bahay. Nakaupo ito sa harap ng black and white TV. Nakita rin ang isang cup na walang laman sa kanyang tabi. Hinihinalang nagtimpla ng tsa si Hedviga bago naupo sa kanyang paboritong armchair at nanood ng TV. Ganunman hindi sinabi ng mga pulis kung ano ang dahilan ng kamatayan ni Hedviga.

Natuklasan ang bangkay nang magreklamo ang mga kapitbahay dahil walang nakatira sa bahay at marami nang damo sa paligid. Kumilos ang city services at ipinag-utos sa mga pulis na wasakin ang pinto ng bahay para makapasok. Natuklasan nga ang bangkay ni Hedviga makalipas ang 42 taon.

(www.oddee.com)

AYON CROATIA GANUNMAN HANGGANG HEDVIGA HEDVIGA GOLIK HINANAP HINIHINALANG NAKITA NATUKLASAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with