Bank records ni VP Sara, hindi magigiba ng defense panel

MANILA, Philippines — Hindi umano makakayang gibain ng defense team ni Vice President Sara Duterte ang bank records nito na bahagi ng hindi maipaliwanag na paglobo ng kanyang kayamanan kaugnay ng pagpapatuloy muli ng paglilitis sa Senate impeachment court sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ni House private prosecutor at trial spokesperson Benjamin “Jay“ Tolosa Jr., na kumpiyansa ang prosecution team na ang mga dokumentong ebidensya ay tatayo sa legal na hamon ng defense panel lalo na ang impeachment ay ‘exempted’ o nalibre na ang Bank Secrecy Law at maging ang mga paraan sa pagkuha ng pinagtatalunang records.
Ayon kay Tolosa, walang nakikitang legal na balakid ang prosecution panel sa mga dokumento ng pinansyal a rekord ng bangko bagaman ang desisyon ay nakasalalay pa rin sa mga senator -judges.
Una nang itinanggi ni VP Sara na wala siyang depositong mahigit sa P185 milyon sa Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Julia Vargas Branch sa Ortigas Center sa Pasig City, pero iginiit ng bank executive sa kaniyang naging pagtestigo na pirmado ni VP Sara at ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang sign card ng nasabing joint account.
- Latest



















