^

Police Metro

Akusasyon sa yaman ni VP Sara, may kinalaman sa 2028 elections

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni Vice President Sara Duterte na ang mga ibinabatong alegasyon na mayroon siyang ill-gotten wealth ay may kinalaman sa kanyang planong pagtakbo sa 2028 presidential elections.

 “Napansin ko lang ha, lahat na lang ng illegal ay ipinapahid nila sa akin... Saan ba nagsimula? Confidential funds, corruption. Actually mayroon pa ‘yan silang tried to link us with drugs. So korapsyon, droga, ngayon mayroon silang China funds.Ngayon may ill-gotten wealth. Nag-impeachment na sila, walang ebidensyang lumabas.” wika ni Duterte.

Idinagdag pa ni Duterte:“Gusto na nila tapusin yung impeachment prosecution nila dahil bumabagsak na yung kaso kaya nag-iiba na yung kuwento... Lahat na ay ginawa ko kuno.At lahat din ay gagawin din nila para, sinabi ko nga, pabagsakin ako because this is about the 2028 elections”.

Kasalukuyan namang tinatalakay sa Senate impeachment court ang mga alegasyong may hindi maipaliwanag na yaman si VP Sara at kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.

Matatandaang noong Pebrero ay una nang nag-anunsiyo si VP Sara na tatakbo sa pampanguluhang halalan sa 2028.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with