^

Police Metro

VP Sara, Mans namakyaw ng Nike sa Davao, Malaysia

Malou Escudero - Pang-masa

Gumasta ng halos P600K

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng isang beteranong forensic financial analyst ang maluho at “unusual behavior” ni Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Mans Carpio matapos umanong mamakyaw nang mahigit kalahating milyong piso gamit ang kanilang credit card sapagpunta sa dalawang magkahiwalay na Nike stores sa Davao City at Kuala Lumpur, Malaysia kamakailan.

Pinuna ng beteranong forensic financial analyst na si Atty. Alexander Cabrera ang “unusual” o “questi­­o­nable banking behavior” sa kanyang ginawang pagsilip sa mga financial documents ng mag-asawang Duterte at Carpio.

Sa kanyang pagtestigo sa Senate impeachment court, sinabi ni Cabrera na may record sina Duterte at Carpio na ginamit nila ang kanilang credit card sa Nike Pavilion sa Kuala Lumpur para sa isang “shopping spree” na nagkakahalaga ng tumatagin­ting na P256,882.50.

Napuna rin ni Cabrera na tila namakyaw rin sina Duterte at Carpio mula sa Nike store sa Davao dahil may record na ginamit ng mag-asawa ang kanilang credit card para sa dalawang transaction na nagkakahalagang P300,000 sa iisang araw lamang.

Bukod sa sapatos, nasilip din ni Cabrera na sa isang upuan lang sa Ginza Inakaya, isang restaurant sa Tokyo, Japan, at ginamit din ng mag-asawa ang kanilang credit card para ipambayad sa kanilang bill na nagkakahalaga ng P205,000. 

ALEXANDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with