^

Police Metro

P111.85 milyon sa bangko ni VP Sara, Carpio ‘di nakarekord sa kita sa tax returns

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Aabot sa P 111,852,349 pera na pumasok sa bangko ni Vice President Sara Duterte at mister nitong si Atty Manases “Mans “ Carpio ay higit sa  nakarekord ng mga itong kita sa kanilang mga tax returns mula 2022 hanggang 2025.

Sinabi ni House pro­secutor at Akbayan Rep. Chel Diokno na nasiwalat ito sa pagtestigo ni Atty. ­Alexander Cabrera, financial forensic analyst sa Senate impeachment court kung saan pinagkumpara nito ang P174,959,235 na pumasok nap era sa bangko  sa P63,106,886  na idinekla­rang kita ng magasawa sa loob ng apat na taon.

Nabatid na sinuri ni Cabrera ang mga loans, paulit-ulit na paggalaw sa time deposits, kita ng investments at pagpapalit ng accounts bago na-compute ang gaps ng nasabing mga halaga. Kabilang dito ang mga accounts ni Carpio, joint accounts at mga accounts sa negosyo ni Carpio bilang sole proprietorship na 888 Bistro. Tinukoy rin nito ang P8 milyon sa PSBank loan: P102 milyon sa paulit-ulit na inflows sa time deposit; P10.29 milyon kita sa BDO investments; P5 milyong kita sa investment sa Security Bank at P72.18 milyong inilipat na savings sa BDO checking account.

Kabilang sa natukoy na hindi nagkakatugma ay noong 2022 kung saan P60,076,281 ang pumasok na pera sa mag-asawa habang sa tax return na idineklarang kinita ay nasa P9,601,770 lang o may kakulangan na P50,474,511.  

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with