^

Police Metro

Senado gagastos nang higit P700K para sa hubad na opisina ni Sotto

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maglalaan ang Senado nang mahigit P700,000 na pondo ng gobyerno para sa renobasyon at pagsasaayos ng bagong opisina ni Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, ang nasabing halaga ay standard policy ng Senado na nagbibigay ng hanggang P700,000 para sa pagpapagawa ng opisina ng mga opisyal nito. Gayunpaman,binanggit ni Gatchalian na posibleng hindi sapat ang halagang ito dahil naiwang halos walang laman o “stripped bare” ang opisina matapos itong lisanin ng dating nakapuwesto na si Senador Jinggoy Estrada.

Nang tanungin kung karaniwang ginagawa ng mga outgoing senator ang pagbabaklas nang lahat ng kagamitan sa kanilang opisina bago umalis, sinabi ni Gatchalian na hindi ito standard practice.

Naalala pa ni Gatchalian na  iniwan ni dating Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang opisina nang buo kaya minimal lamang ang kinailangang renovation nang lumipat siya roon.

Ganito rin umano ang nangyari kay Senador Panfilo “Ping” Lacson nang lisanin niya ang opisina na kalaunan ay napunta kay Senador Jinggoy Estrada.

Sinabi ni Gatchalian na ginagawa ito upang makatipid sa pondo dahil magastos din ang renovation ng opisina.

Gayunman, sinabi ni Gatchalian na nire­respeto niya ang desisyon ni Estrada dahil batay sa kanilang mga rekord, walang pampublikong pondo ang ginamit ng senador.

SHERWIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with