^

Police Metro

Bar ratings nina AMLC Chief Buenaventura, VP Sara, ikinumpara ng prosecution lawyer

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ikinumpara ni private prosecutor Atty.Mae Divinagracia ang 85.75% Bar rating ni Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura sa 80% rating na nakuha noon ni Vice President Sara Duterte.

Habang iniisa-isa ang mga kwalipikasyon ni Buenaventura sa impeachment trial nitong Lunes, Oktubre 5, 2026 ay tinanong ni Divinagracia ang naging resulta ng Bar exam nito.

Sinabi ni Buenaventura na nag-10th place siya sa 2015 Bar Examinations na may markang 85.75%. Ipinahiwatig ni Divinagracia na mas mataas ito ng 5.7 percentage points kaysa sa 80% rating ng isang “kilala” nila ng abogado ng depensa na si Atty. Mark Vinluan—na nauna nang binanggit ng depensa noong Hulyo na pagmamay-ari ni VP Sara Duterte. Agad nag-object si Atty.Vinluan at hiniling na ipabura ang komento dahil walang kinalaman sa kaso, at sinang-ayunan naman ito ni Presiding Officer at Senator Francis “Chiz” Escudero na nag-utos na tanggalin ang pahayag sa opisyal na rekord.

Matatandaan na una nang binanggit ni Vin­luan sa impeachment court ang Bar rating ni Duterte sa impeachment trial noong Hulyo.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with