Hatol kay VP Sara nais ng prosec na mas maaga pa sa Dis. 16
MANILA, Philippines — Nais ng prosecution panel ng Kamara na mas mapaaga pa sa target na
Disyembre 16 ng Senate Impeachment Court sa paggawad ng hatol kay Vice President Sara Duterte na una nang sinabi ni Senate impeachment court Spokesman Atty. Reginald Tongol.
Ayon kay House prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon, ang paghahatol kay VP Sara ay depende kung gaano kabilis ang magiging paglilitis sa “unexplained wealth” kaugnay ng pagpiprisinta ng mga testigo at ebidensya.
Pero, sinabi ni Ridon na anuman ang magiging desisyon ng Senate impeachment court kung kailan igagawad ang hatol ay kanilang pakikinggan at irerespeto.
Binigyang diin ni Ridon na ang pagagawad ng hatol kay VP Sara ay nakasalalay sa prosekusyon at sa defense panel kaugnay ng presentasyon ng mga testigo at ebidensya gayundin kung paan dedesisyunan ng mga senator judges ang kaso.
Sa kasalukuyan ay nakapagsagawa na ng kabuuang 32 paglilitis sa impeachment court kung saan natapos na ang dalawa sa Articles of Impeachment at nagpapatuloy naman ang paglilitis sa “unexplained wealth”.
- Latest















