Gatchalian sa mga inaantok sa impeachment trial: Manood na lang sa bahay

MANILA, Philippines — Nagbigay ng diretsahang suhestiyon si Senate President Win Gatchalian para sa mga taong inaantok habang dumadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Gatchalian, kung hindi kayang manatiling gising at nakatutok sa mga paglilitis, mas mabuting sa bahay na lamang manood ng telebisyon kaysa matulog sa loob mismo ng impeachment court.
Aniya, hindi magandang tingnan na may mga dumadalo sa proceedings ngunit nauuwi lamang sa pag-idlip habang nagpapatuloy ang pagdinig.
Ang pahayag ni Gatchalian ay kasunod ng mga napapansing ilang indibidwal na tila nakakatulog habang isinasagawa ang impeachment proceedings.
Dagdag pa niya, maaaring panoorin na lamang sa bahay ang paglilitis ng mga inaantok upang maiwasan ding mapansin o mapagsabihan habang nasa loob ng korte.
Matatandaan na pinagsabihan ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Francis Escudero si Manila Rep. Bienvenido Abante dahil tila nakatulog ito habang isinasagawa ang paglilitis.
Nasa VIP section ng session hall ng Senado si Abante nang makatulog habang nagbibigay ng testimonya si Philippine Government Electronic Procurement System (PhilGEPS) Division Chief Rendell Sopeña.
Ipinaalala pa ni Gatchalian na kahit sa normal na korte ay hindi puwedeng matulog.
- Latest




















