December 16 verdict ni VP Sara kinontra, ’di pa napag-uusapan – Pangilinan
MANILA, Philippines — Kinontra ni Senador Kiko Pangilinan ang pahayag ni impeachment court sposkeman Regie Tongol na sa kanyang pagtaya ay maaaring maglabas na ng desisyon sa impeachment ni Vice President Sara Duterte sa Disyembre 16.
Sa isang Facebook post ni Pangilinan, sinabi nito na hindi pa napag-uusapan at napagdedesisyunan ang time table o timeline ng pagdinig lalo na ang paghahatol sa naturang petsa.
“The Impeachment Court has yet to formally or informally discuss this and has yet to decide on the timetable/timeline of the trial more so a verdict date of December 16,” ayon sa post ng Senador.
Giit pa ng Senador na ang nasabing petsa ng paghahatol ay opinyon lang ng tagapagsalita ng impeachment court.
Bilang Senator Judge aniya ay hindi siya nakikibahagi sa opinyon ng spokesperson at wala rin siyang kapangyarihan na mag-isyu ng kanyang sariling opinyon sa ngalan ng korte.
“This verdict date is merely the opinion of the spokesperson. As Senator Judge, I do not share the opinion of the spokesperson. He has no authority to issue his personal opinions on the Court’s behalf” ayon pa kay Pangilinan.
- Latest















